mga binabasa ko..

Wednesday, November 23, 2011

ang paboritong libro ni Hudas - bob ong

kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas. Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang nakakaraan. Di ko pa ren naman sya tapos basahin ngayun pero nais ko ilahad sa inyo ang ilang parte sa mga nabasa ko na nag pagulong sa aking malay katatawanan. Bagay madali lang naman ako matawa kahit nga korni basta si Joey Marquez ang nagdedeliver tinatawanan ko e. Madako na tayo sa iasng part ng libro ni Bob Ong.

-----
<--> Kahapon meron ding nagdadasal, umiiyak pa, sana raw pumasa sya sa exam.
<--> Paano ko naman ipapasa, e wala naman s'yang mga isinagot sa mga test papers nya!

<--> Paano ko pa s'ya matutulungan sa lagay na 'yon?
Buti kung humiling s'ya ng matibay na resistensya habang
naglalamay sa kaka-review. O kaya e ng konting talino para
mas maintindihan n'ya ang mag pinag-aralan nila. O kaya
e ng tiyaga, tibay ng loob, pasensya, o sipag..pwede 'yun,
pero yung magsasubmit s'ya ng blankong test paper tapos
kailangan ipasa ko s'ya, para na rin s'yang humiling na
manalo sa lotto kahit na hindi s'ya bumibili ng ticket.

-----
di ko napigilan ang sarili kong magulong ulit sa kakatawa. Pero magkagayun man nasasalamin ren yun sa totoong buhay. Madaeng tao ang umaasa at nagdadasal na nawa e pagnutbayan sila ng Poong may Kapal. Nguni't..datapwat..bagaman e wala naman silang ginagawa o ni hindi man lang nila makuhang kumilos, para maiba man lang ang buhay nila.

may isa pang part sa libro ang nagpasakit ng aking tiyan.

-----
Bakit halos lahat ng lalakeng superhero e naka tights? Bakit kailangan nila ng kapa? Bakit nasa labas ang briefs nila? At anak naman ng tiyanak, bakit hindi sila gumamit ng brief na ayos pa ang garter ng hindi na nila ito sinisinturunan..
-----

hahahahaha..diko alam kung mababasa nyo e matatawa kayo pero ako e natawa naman talaga.
o ciao...

Tuesday, November 22, 2011

mga tao

bakit ba meron mga klase ng mga semilya na:

una, makikipag unahan sayo sa paglabas sa MRT pos..makikipag unahan den sayong sumampa sa escalator, tapos ang gagawen lang e hihinto..buti sana kung maluwag yung escalator ng MRT Buendia stn e pang isang tao lang yun. Pos, madae pang tao ang parang nambubuwiset lang na sasakay pos saka prenteng tatayo na parang pakialam sa mundo nakanam puta naman..panu naman yung mga taong nagmamadali. Kung ipinangak kayo para mambuwiset lang e bakit di nyo na lang sikmuraan yung taong unang makakasalubong mu sa umaga at saka ka humingi ng matinding pasensya. Ganun, ang gawen nila dapat o kaya kung gusto nila na madae lang talaga masura, e bakit di na lang sila magpatiwakal baka sa kabilang buhay mabuwiset nya yung mga nilalang dun.

pangalawa, yung mga taong nag lalakad ng hindi naka tingen sa nilalakaran nila. Napaka dae nang ganitong klaseng nilalang. Akala niya siguro e zombading sya at walang babangga sa kanya. Akala nya siguro e ang bumangga giba. Ang mahirap pa sa mga taong eto e madalas sa kanila..sila pa ang galit pag nabangga. ang iba pa nga ay di marunong humingi talaga ng pasensya. mga tinamaan ng lintik na yan.

pangatlo, yung mga taong naglalakad ng nagttxt, isa pa tong mga ganitong klase ang buwiset sa nagmamadaling umaga. Ang bagal na nila maglakad nakahambala na nga sila sa nilalakaran mo, ang laki talaga nilang abala. pos, pag nilingon mu pa nakangiti pa mag isa habang nag ttxt..nak nam..

di ko mawari kung bakit napaka bitter ng blog ko na to..ciaoooooooo..

Wednesday, November 16, 2011

ang tagal ko nawala..babalik muli..

woooo..nakakamiss na ren mag blog..ang tagal ko nawala..ilang buwan den pala na..ang huling nailimbag ko pa sa blog ko e Hulyo pa..magkagayun man..wala ren kasi akong oras mas madalas pa ako sa ibang bansa kesa andito. Nakakapagod..nakakaubos ng oras..wala na tuloy akong nailagay sa blog na to..

hmmm..sa ngayun wala ako maisip na maiblog..maliban sa aking napupuna sa aking kapaligiran. Bakit ba madalas pag dating ng mga bandang 730 ng umaga e sobrang traffic na sa Buendia Flyover?..tapos ang boss ko tanghali pa pumasok..tapos pag pasok nya pa..kukutaytayen nya agad kami ng mga follow up..pero sana lang maisipan nya ibalik yung BB ko..pos mga bandang 10:30 ng umaga..nagulat ako sa kasamahan ko bigla na lang pumitlag yun pala nakaidlip na sa pagkakaupo nya..sabi ko nga..babasagin nya pa yung lcd ng laptop nya pag napasubsob sya dun e. Pos, di namin namalayan na tanghalian na kumain ako ng madae na parang construction worker na ngayun lang nakakita ng kanin at nilantakan ko talaga. Pagkatapos namen kumain para akong ita..kakamot sa tiyan sabay hikab at uunat sa pagkakaupo. Dahil sa kabundatan ko..mas matigas pa ata ang sikmura ko ngayun kesa sa noo ko. Bawal na ren ako kumurap dahil babangunguten ko.

Maya na nga ulit ako magkwento..pero sana maisipan nang boss ko talaga ibalik yung cellphone ko..

Saturday, July 30, 2011

teng enang kaltas yan..wala nang natira...buset..

eto ang ayaw ko sa payday..me kasabay na payslip..tsk..tsk..e pagka nakita ko ang payslip ko at..nakasaad ang tax e...nakanam puta na..nakakapanlumo talaga..di ko maiwasan mapamura dahil sa laki ng bawas sa tax na hindi ko naman nalalaman kung sinung mga babae nila Tongressman ang nakikinabang..buset..


yan..ang payslip ko..para sa cut off ngayun..tang ina lang..me loan pa ako..samahan mu pa ng tax..wala nang natira sa pinaghirapan ko sa pagcchat ng buong araw sa opisina. Sana lang lagyan ng gobyerno ng pilipinas ng fly over ang aming bahay at me sariling paking lot. Haiz, di ko maiwasan madismaya talaga..pag me payslip. madae pa sana akong mabibili sa ikinakaltas saken sa tax.

Tuesday, June 21, 2011

Tamis ng unang halik...

Kanina habang nakasakay ako sa dyip..papasok sa aking tanggapan.
bigla na lamang tumogtog ang isang kanta ni Tina Paner ang 'Tamis ng unang halik'
sa una ako ay natawa at ni sa hinagap ay di ko naisip na maririnig ko sya ngayun.
Pero natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatulala at nagmumuni-muni at bago ako ulit makapag isip e nag balik na naman ako sa nakaraan.

'Sang saglit ng ubod-tagal
Unang halik ng 'yong mahal
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang parang walang hanggan
'Yan ang iyong unang halik'


eto ang unang mga linyang umalingawngaw na agad ka kaibuturan ng aking pandinig. Eto ren ang naghudyat upang balikan ko ang masayang nakaraan ng aking unang halik. mahirap malimutan ang tamis ng unang halik lalo na masasabing kong ito ang una talaga. Dati kasi nakakahalik lang ako sa lupa, pag iningungudngod ng nanay ko ang mukha ko sa lupa. Pero nang maranasan ko ang aking unang halik sa labi ng aking sinisinta. ting...tinggg...tinnnggg...mas malala pa ang narinig ko na kalembang kesa sa pagkalembang ng aking itlog. Parang kinabahan ako ng husto nung makatikim ako ng halik, gusto na huminto yung oras ng mga panahon na yun at..wag na matapos pa. At nang ako'y mahimasmasan...


pakkkkk...isang malutong na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Di ko napigilan na halikan sa labi ang aking sinisinta. Simula nun di na ako nangangarap ng gising at baka kahit aso e mahalikan ko.

Sunday, June 19, 2011

Emot...emot...emot...

Minsan pag wala ako magawa..pinipilit isipin yung mga malulungkot na nagdaan sa buhay ko. Gaya ng unang pagkasawi sa pag ibig at kung anu-anu pang mga malulungkot na bagay ang pilit ko isinasaksak sa kukote ko. Nasubukan nyo na ba minsan na mag inarte? Ako ang ginagawa ko pag gusto ko mag inarte, e magpapatugtog ako ng malakas. Minsan nga naalala ko naabutan ako ng aking mahal na ina na nag iinarte. Pinatay ko ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay namen at saka ako nagpatutog ng One Last cry..at para kumpleto ang aking pagiinarte, bumili ako ng isang boteng beer sa aking suking tindahan. Ginawa ko, ninamnam ko talaga yun pagkakasawi ko sa aking unang pag ibig, naiyak talaga ako. At, tiyempo naman na syang kung kelan ko nadarama yung tugtog.."am goona cry my own...cry..." e syang biglang bukas ng ilaw, nahuli ako ng nanay ko na nag iinarte. Gulantang ang aking mahal na ina sa itsura ko nang datnan nya ako. Me hawak na isang boteng beer ang kamay, pos ang isa e nakapatong sa noo na para bagang me napakalaking problema. Kinausap talaga ako ng aking ina..kung anu daw ba ang aking problema at di ko na lang daw wakasan ang aking buhay. O diba, nanay ko yun nagsabi nun. Di ko naman masabi na nag iinarte lang ako at wala naman talagang nangyare saken. Minsan naman gusto kong eksena sa pag iinarte ko yung para bang ginahasa ng sampung kabayo. nakahalukipkip lang sa ilalim ng dutsa habang umiiyak. Yun ang pinaka matinding ginawa ko na pag iinarte, di ko alam kung anung pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. Pero dati ko pa nagagawa yun mga ganun ngayun na mejo nagkakaroon na ng onetng lang ang kakarampot ko na utak e di ko na sya magawang ulitin.

Wednesday, June 15, 2011

BurAng0t day...

May mga araw na pag labas mu pa lang ng iyong magandang tahanan aba ang sasalubong agad sayo ay mga taong nakaburangot o nakasimangot. Hindi pwedeng hindi mu sila tatapunan ng pansin dahil ang mga itsura nila ay matangos pa ang nguso nila sa ilong nila. Kahapon nangyare sa akin ang ganitong araw. Paglabas ko pa lang ng pintuan e mga nakasimangot na ang sumalubong sa akin. Hanggang sa makasakay na ako. Sa Jip na sinasakyan ko me nakakatawa pa ngang eksena, yung babaeng nakaburangot na mas matangos ang nguso sa ilong e pumara, para ng para, gang sa matutulili ang driver at sinagot ang babae ng "itatabi at wala naman ako plano iuwe ka.." natawa ako sa tinuran ng driver at di ko talaga napigil ang aking sarili na hindi matawa. Sa aking pagtawa bago bumaba ang babaeng nakaburangot at nagalit pa sa akin at anu daw ba ang nakakatawa. Pag dating ko naman dito sa lugar na nagbibigay ng aking kayamanan ang mahal kong opisina. E, may mga mangilan-ngilan ren na nakasimangot gulat talaga ako kasi pakiramdam ko simula pa lang ng araw e ang dae ng matulis ang nguso.
Di naman bawal ngumiti, siguro naman di naman sila nagtatae o kung anu pa man para magsimangot. Ako kasi ewan ko lang mahilig ako ngumiti, kahit mukha na akong siraulo na nakangiti mag isa. Di ko yun pinag dadamot para yun sa mga tao na ipinapalagay ko na me kras saken. Lagi ko ren itinatanim sa bumbunan kong mababaw na lagi ako dapat ngumiti, una, dahil di ako kagwapuhan para mag suplado, dalawa, pakiwari ko ay madae ang nabubuo ang kanilang araw makita lang akong nakangiti(ito ang pakiramdam ng taong Rebisco, ang kapal ng piling kooooo). Tatlo, di ba magaan ang pakiramdam kung ang makakasalamuha mu ay nakangiti? apat, kahit ang lima sa anim kong ngipin ay bulok kelangan ko pa ren ngumiti. Saka, libre naman ang pagngiti kaya dapat ibinabahagi yun sa kahit kanino pa man.

Kaya wag kakalimutan na laging ngumiti...:)

Wednesday, June 8, 2011

Momo..sa CR ng Shangrila Mall...

Hotaena na yan..biruen nyo..me nakasabay ako sa CR sa SHangrila Plaza Mall di ko akalaen na bakla pala. Ang kanyang style, pagpasok ko ng banyo, nagpapatuyo sya ng panyo, ang akala mu na lalabas na sya e..bigla sya tatabi sa pwesto mu kung san ka iihi at..napakagaling pa talaga naman din kumuha ng pagkakataon na kung kelan mu naman na nailabas yung uten mu at pasirit na ren ang ihi mu e yung tipong pag pinigilian mu e masakit yung puson mu agad e dun nila dudungawen. Napaka dae ko naranasan na ganto sa ibang mga CR pa pero di ko akalaen na sa SHangrila e meron den pala. Dati nga aking natatandaan na minsan sa buwisit ko e sinabihan ko yun isang dumungaw sa pototoy ko na idudungkol ko sa mukha nya yung sinisilip nya, aba ang sagot ba naman ai sige daw at sabay nganga. Napaka badingerzy killer ko ata talaga, minsan kasi sinubukan ko manuod ng sine mag-isa sa SM Megamall(libreng ads), noong di pa ganung narenovate and sinehan ng Megamall(libre ads ulit) na ang kanilang sahig pa e naglalagkit pa..yun tipong pag iniapak mu yung sapatos mu e maiiwan ang suwelas. Pagpasok ko sa loob ng sinehan di ko naman napansin na sinusundan na ako ng 2 Badingz, pagpasok sa loob pumuwesto lang ako dun sa gitna at tutal naman e ako lang mag-isa nagulat na lamang ang inyong abang lingkod nang bigla akong pagitnaan nun 2. Nagawa ko pang lumipat ng upuan dahil sa takot ko akala ko mga holdaper sila. Mantakin ko ba naman na sumunod sila, nang mapansin kong mga bading sila e hindi na ako kumibo akala ko kasi kikita ako ng limpak-limpak na salapi. Deadmatology tested na lang ako sa kanila ng maya-maya e biglang me humawak sa hita ko..sa una nakikiliti ako..pero..pinigilan ko talaga at ayaw kong maging alipin ako ng init ng aking katawan(biro lang..). Nagtatakbo ako palabas ng sinehan wala akong mapagsumbungan at dahil sarado na ang barangay ng mga sumandaling iyon. Kung pinakitaan ba naman nila ako ng sang bayong na pera, e, di sin sana'y naging maganda ang takbo ng usapan at masaya ang lahat.

pero di ko magagawa na ibenta ang aking katawang lupa, at babuyen ng kung sinu man. Mas gugustuhen ko na lang na uod na ang makinabang dito. Pero ang lahat ng aking pananaw ay nakadepende sa presyo...hehehe..biro lang ulit..

Tuesday, June 7, 2011

In My Dreams... - Reo Speedwagon

hmmm...share ko lang


In My Dreams... - Reo Speedwagon


ahehehe..napanuod ko lang sa Goin Bulilit..kaya napag tripan ko hanapen..

pamatay na lyrics..

We climb and climb and at the top we fly
Let the world go on below us, we are lost in time
And I don't know really what it means
All I know is that you love me, in my dreams


di naman sa nag sesemental ako..pero maganda naman talaga sya pakinggan..

Wednesday, June 1, 2011

TsiSmIsan..Blues...

"putang ina mu ka...kung anu-anu ang mga ikinakalat mu laban saken.."
eto ang gumising saken kanina umaga, ang nag mumurahan na mga kapitbahay ko. Di ko alam kung mabubuwiset ako sa kanila o maasar ako sa mga buwiset na yun. Wala naman na ako magagawa kundi bumangon na at dahil sa naniniwala ako sa siyensya naisipan ko mag usisa. Minabuti kong silipin yung mga kapitbahay kong nagmumurahan.

Nalaman ko na lang ang dahilan ng kanilang pag aaway ay dahil si una ay itsinitsismak neto ni pangalawa. Pero di naman na ako ganun ka usyosero para mag ungkat pa ng husto at alam ko naman na hindi ko naman ikakayaman ang pagungkat pa ng pinag awayan nila.
Naging kultura na talaga ng mga kababaihan lalo na ang mga nanay na kapag nagkaumpukan ay kung sinu ang wala ay siya nilang pag uusapan. Kahit na me mga ginagawa kelangan talaga na abala ren ang kanilang mga bibig. Di makukumpleto ang kanilang araw kung wala silang pinag tsitsismisan.

Wednesday, March 16, 2011

Selos..

Selos anu nga ba to?..Ayon sa Wikipedia ito raw ay..

Ang panibugho, pagseselos, o selos (Ingles: jealousy, maaari ring possessiveness)
[1], ay ang pagsususpetsa o pagiging palabintangin, mapaghinala, o mapagsapantaha sa pagkakaroon ng mga karibal, kaagawan, o kalaban para sa pag-ibig, pagmamahal, o pagkagusto ng ibang tao.
[2] Maaari rin itong pagkadarama ng mapagtanim ng sama ng loob na may pagkainggit dahil sa pananagumpay ng ibang tao, kaya't – sa ganitong diwa – nagiging katumbas din ang paninibugho ng inggit o pangingimbulo; at nagiging katumbas din ng pagkamakasarili.[2] Tinatawag na seloso (kung lalaki), selosa (kapag babae), o panibughuin ang isang taong mapagselos o nagseselos.[1]

ayan ang kahulugan ng salitang selos ayon sa wikipedia(salamat sa Google at itinuro nya ako sa Wikipedia). Kung ako ang inyong tatanungin ang kahuligan ko ng selos ay pagiging utak kriminal, bakit ka magsususpetsa, magbibintang, maghihinala, o magiging mapagsapantaha kung yung utak mo e mas malawak at mas basa pa kesa sa kabukiran ni Neneng. Magiging makitid lang ang utak ng isang tao sa tingen ko kung ang kanilang betlog ay mas malaki pa sa kanilang utak, kung ganun lang kaliit yung utak malamang na makitid ren ang pang unawa ng mga ganung klaseng nilalang. Dapat sa kanila ay tinutungkab ang anit ng maging bukas ang pananaw nila sa lahat ng bagay. Bakit ko pala naikwento ang ganitong bagay ay dahil sa kasintahan ng kaibigan kong babae. Nalaman ko lang sa kwento ng pareho naming kaibigan na ako nga daw ay pinagseselosan at di lang ako lahat ata daw ng ikuwento ng babae dun sa lalaki ay kanya na ring pinagseselosan.
- Unang-una, kukuha ka ng kasintahan mu na kagandahan tapos magseselos ka.
- Bakit ang hindi kaya gawen ng mga taong seloso e imbes na magngitngit sila sa selos, ipatanggal nila yung ulo nila at dalhin ke Belo.

Dun sa pangalawang kahulugan ng selos, na ang pagiging inggitero pala ng taon ay nakakategorya pala sa selos. Pag me nakikita ka palang nagtatagumpay ay magseselos ka. Sa aking pananaw maari mu itong gamiten para maging basehan mu ng pamantayan sa buhay na kung bakit sila ay nagtagumpay bakit ikaw di mu kaya e parehas lang naman kayong tumatae ng mabaho.
O kung ikaw yung tipo na utak palaka at pag naiinggit e nagmumukmok na lang sa isang tabi at doon magbabati. At pipilitin mung ibaba ang kung sinu man nakakaangat sayo. Hindi tama yun, di magandang asal. Baka kahit sa dagat-dagatang apoy ka mapunta magkainggitan pa kayo ng hari doon.

hanggang sa muli..paalam...

Thursday, March 10, 2011

Kulangot sa ilong..pati na sa pisngi..sa kakaisip sayo..kulangot dumarami..

Kulangot, anu nga ba to? Nakakadiri ba to? Kinakain ba to? iniinum? ipinapahid sa katawan? binibilot saka ibabato sa kasama mo? Me nakatabi ako kanina sa tricycle si Manong me nakalambitin na kulangot sa kanyang ilong. Gusto ko sanang hilain para mawala na, ngunit para kasing tigas ng muta yung kulangot nya. Baka pag hinila ko yun e may sumama pang buhok at mapaiyak pa sya. Pero mahirap di mapansin kasi nga naman kada siya bubuga ng hiniga e lalabas yung nakalambitin na kulangot sa ilong nya. Isa pa natatakot ako na baka makabitaw yung kulangot sa ilong nya e sa kasamaang palad sa akin dumapo. Di naman sa madidirihin ako o nag iinarte pero, kulangot nya yung e, tumigas na uhog yun. Baka me Virus pa sya mahawaan nya pa ako.

Mailiwas ko naman yung kwento, pagsakay ko naman sa Jeep, ang tahimik nang mga kasabay ko. Sinubukan ko magpunas ng ilong habang tinitingnan ko ang bawat isang nakasakay. Mapapansin mu na marami sa mga pasahero ang sisimple ng punas sa kanilang mga ilong. Nung akin na iyong mapansin, sinubukan ko naman na magpunas ng muta sa mata. Me mga mangilan-ngilan na pasahero na gumagaya ng ginagawa ko.

Di ko alam kung anung meron pag asa jip ka e kung anu yung gawen mu at tingnan mu isa-isa ang mga kasama mung pasahero e gagawen den nila ng patago.

Wednesday, February 23, 2011

How to.. --- mga suhestiyon ni Google




How to make a website --- madali na lang to ngayun madae ka na makukuhang mga web applications na makakatulong mo sa pagbuo ng iyong website.

How to Lose Weight --- eto ay mahirap sa sarili kong experience, di biro magpagaan ng timbang lalo na kung medyo me kalakasan ka kumaen, o kung kagaya mo kumaen ng kanin yung mga nagttrabaho sa construction. Dati natatandaan ko yung mga kasama ko sa dati kong pinapasukan yung mga kaparehas ko ng kagawaran, tinawag kaming kanin gang ng buong opisina. Kaya sa tingen ko mahirap gawin ang magpagaan ng timbang. Kelangan mu ng matinding disiplina at pananampalataya sa sarili mu.

How to download videos from youporn..ay..youtube pala --- hmmm..mahirap ba to?..dae pede pang download, kung ayaw mu naman mag install sa pc mu gamiten mu to: www.keepvid.com

How to play nota..ay mali let..dota --- Kung yung unang nabanggit madali ren lang yun, masaya pa, pero kelangan mu ng matinding konsentrasyon at madae-daeng sex stories at sangdamukal na kwentong ednakan. Kahit nung ako ay musmos pa lang at uhugin pa di ko pinangarap na maglaro ng nota ng iba. Kung Dota di ako marunong mag laro nun kaya wag nyo asahan na me isasagot ako dun.

How to play poker --- ganto ang itsura ko pag nagpoker face ako..
kahit na anung gawen nyo di nyo mababasa kung nagloloko lang ba ako o tunay.

How to make a resume --- hmmmm..dae ren sa Google search lang.

How to gain weight --- sa mga edad na kagaya ng saken ngayun, napakadali netong gawain nato. pag humihina ang metabolism ng tao mas tumataba ayon sa utak kong sing talino ng langaw. Ang mahirap sa tumataba lalo na sa mga kalalakihan sumasabay ang tiyan nagkakaroon ng 1 pack, ako ayaw ko lumaki ang tiyan ko kase baka di ko na makita yung pototoy ko, kung nakaharang na yung sikmura ko.

How to print screen --- ewan...

How to get pregnant --- naku harrrr...tinatanung pa ba yun? Alam ko basta tanggalin lang yung kansunsilyo saka wag lang kinapon yung lalaki at basta nireregla ang babae magkakaanak e. Kahit pa mas malaki yung isang itlog ng lalaki sa isa ang mahalaga pala e lalaki saka babae ang magsisiping. Ngayun kung lalaki saka lalaki ang magsisiping kahit magtanggal pa sila ng brief magaamuy tae lang yung uten ng isa.

How to hack a facebook account --- di ko alam.

Hitachi Outs Wireless Charging Pad for iPhone 4 -

Wow, nabrowse ko lang sa google tong website nato:
www.gadgets-guide.com
Para sa mga iPhone 4 users eto na siguro ang isa sa pinaka magandang accessories na pwede nyong gastusan na pwede na. Pero mahal pa ren siguro at medyoo luho na lang.
Meron na ngayung wireless charger para sa inyong iPhone 4.
Ayon sa kanila:




"Hitachi Maxell has just introduced a
new wireless charging pad for iPhone 4,
the WP-PD10.BK and WP-PS10S.BK. Comes with
no-fuss and cable-free, this charging pad
has blessing of the Wireless Power Consortium (WPC).
The WP-PD10.BK has two power transmissions,
each one capable of sending 5W of power,
while the WP-PS10S.BK has one.

Both of charging pads are coupled with a
charging sleeve that allows you to charge your
iPhone 4 without the use of any cables.
You just need to lay the phone on the mat
while it is in the charging sleeve."

Di ba, isang napakagandang ideya para sa mga iPhone users, maiiwasan mu na ngayun ang sala-salabit na connection ng USB. Dangan nga lamang na ilalabas pa lang siya sa Japan sa April 2011 pa lang. Wala ren nakalagay kung kelan ang Global Release niya. Sa ngayun ay abatan na lang naten kung kelan siya mailalabas sa ating merkado.

Monday, February 21, 2011

PSP phone


Isinapubliko na ng Sony Ericsson ang kanilang pinakabagong Mobile Phone and PSP Phone. Ito na ata ang pinaka hihintay ng lahat na isip bata. Di ko lang alam kung tatalunin nya ang iPhone pero, tingen ko madae na naman magkukumahog para lang magkaroon ng ganitong telepono.
Ayon dito sa website na to:
http://www.back2gaming.com/news/sony-presents-the-psp-phone/
eto daw ang kanyang kapasidad.

# ikely boasting Android 3.0 (aka Gingerbread)
# a custom Sony Marketplace which will allow you to purchase and download games designed for the new platform
# sporting a 1GHz Qualcomm MSM8655 (a chip similar to the one found in the G2, but 200MHz faster)
# 512MB of RAM
# 1GB of ROM
# screen is in the range of 3.7 to 4.1 inches
# touchpad where the analog nubs are supposed to be
# no memory stick slot
# supports microSD cards

eto naman ang article ng T3:
http://www.t3.com/news/sony-ericsson-xperia-play-psp-phone-now-official?=53215

di ko na sila binasa at di ko ren naman alam kung magkakaroon ako nun. Baka tumulo lang yung laway ko sa sobrang pananabik.

Husgahan nyo na lang..

SPA vs SPAkol

Natry ko magpamasahe sa mga tunay na SPA yung masahe lang talaga. Natry ko ren naman dun sa mga SPAkol kung tawagen. Nagustuhan ko yung masahe sa St.Francis sq. sa 2nd floor, hard yung masahe nila nakakarelax talaga. Sa mga napuntahan ko na mga SPA sa kanya ako nasulitan. At, di pa ganun kamahal, mantakin nyo sa halagang Php299 sulit talaga yung bayad mu sa kanila. Ang di lang maganda sa kanya ay wala silang shower room, pero after naman ng masahe, pupunasan ka nila ng mainit na tuwalya, yung kagaya ng binibigay sa eroplano. Pero yung sa kanila pupunasan nila yung buong katawan mu nun. Pagkatapus ka nila masahien, mararamdaman mu yung strees mu lahat ay nawala at naglaho sa iyong katawang lupa.

Dumako naman tayo sa SPAkol..SPAkol ang tawag ko sa kanila dahil meron itong sextra o kung di man e, aalukin ka nilang jakulin o pede ren palang BJ. 2 yung SPAkol na puntahan ko isa dito sa me Makati na malapit lang naman sa pinapasukan ko. Tong SPAkol na to ai di mo malalamang nag eexist kung di ka mahilig magbasa ng mga forums sa internet. Wala ren itong kahit anung palatandaan sa tapat ng bldg. Kaya kung hahanapen mu ito at di mu alam talaga e, malamang ugatan ka sa kahahanap at di mu talaga ito makikita. Maganda ren nmaan sa SPAkol na ito kase me sariling shower sa loob ng room. Dangan nga lamang ay hindi ka makakapili ng magiging masahista mu pagkat di nila pinapayagan na masilip mu ang kanilang mga kababaihan. Habang minamasahe ka nila ay sasadyaen nilang sayaran ng haplos yung dakong parte na malapit sa betlog o kaya sa me bandang singit. Pagkatapus ay huhubaran ka nila, tsaka ka ulit mamasahien. Kung ako ang inyong tatanungen ay sa aking pananaw ay di ako nag enjoy sa masahe dahil di ko talaga naramdaman, ngunit, sasabihen ko naman na talaga naman nabuhay ang uten ko. Sa tantya ko ang masahe nila ay aabot lang ng 40 minutos, pagkatapus nun ay aalukin ka na nila ng kanilang Extra Services ganito ang presyuhan nila:
Hand Job = 500
Hand Job + maghuhubad = 1,000
Blow Job = 1,500
o di ba muzta naman yung mga presyo na yan, alam ko, nabasa ko ren sa ibang mga blogs na pumapayag silang magpahipo, at yung isang kasama ko sa ofc na nakatry na dun e, ok daw sila, kase pumapayag daw silang magpa finger.
Yung isang SPAkol ko na napuntahan naman e sa me Ortigas sa Metrowalk. Mas ok yung masahe dito tingen ko kesa dun sa Makati na napuntahan ko. Tsaka, sabe nung attendant ko kasama na daw sa bayad yung jakol. Nung huling punta ko sa kanila ang kanilang rate ay Php900, hmmm, ok na ren siguro, pero mahal pa ren kung sa masahe lang talaga ang habol mu.

Kung magaling kang maghalughog sa Internet, madae ka pang makikitang mga SPAkol, at syempre yung nauuso ngayun na Lingam nga ba yun?...hehe..di ko alam kung tama ang spelling ko sa salita na yun. Kung igoogle mu sya madae ilalahad sayo si Mr.Google, na mga lugar na pede mu puntahan para ipamasahe mu ang iyong uten.


yan, tingnan nyo, hanggang Davao pede ka magpa Lingam. Di ka mabobokya dahil mula Aparri ata hanggang Davao.

Ilahad ko na lang ulit sa inyo kung anu ang susunod na mapuntahan ko.

Sunday, February 20, 2011

Sports Illustrated @CNN.com --- wow mali...

Di ako mahilig mamuna ng sulat dahil ako mismo ay di marunong sumulat. Pero nakakapagtaka lang kung bakit hindi napansin ng Sports Illustrated na mali ang pagkakakaspell nila sa headline nila. Ito pa naman yung article na kung saan pumunta si Manny Pacquiao sa White House.

eto sya..kinuhaan ko ng screenshot imbes na Capital naging Captial sya. Di ko alam kung baket di nila nakita bago ipublish. E, kung ako nga preview ko muna yung blogs ko bago ko ipublish. Kahit na alam ko ng mali ren naman lahat, ireview ko pa ren kunyari. Masabi ko lang na tiningnan ko bago ko ipost.

Pilipino..Pilipino..Pilipino..

Wow!..ayun lang ang aking nasabe sa ipinakita ng ating kababayan na si Nonito Donaire. Winalanghiya niya yung kalaban niya, ni hindi mang lang umabot ng 10 minuto yung laban nila. Pero magkagayun pa man, alam na alam kong proud na proud na naman ang madame sa ating mga kababayan dahil sa karangalang ibinigay ni Donaire.

ang imahe na ito ay aking nakuha sa website ng the Ring.

di ko napanuod ang laban ni Donaire, as Youtube ko na lang ito napanuod. Pero nakakaatat pa ren siya panuoren dahil pinipilit kong isalarawan sa aking isipan kung papano niya pinabagsak ang kanyang kalaban. Parang nagbabasa lang ako ng sex stories sa tabloid, pinipilit kong isipin ang mga eksena. Kaya ng mapanuod ko siya sa Youtube, Wow!...yun lang talaga ang nasabi ko.

PROUD TO BE PINOY!!!...

Monday, February 14, 2011

VaLenTines..




'Malapit ka nang mamatay..' yan ang sabe saken ng matanda sa aking panaginip. Di ko alam kung anu ang ibig ipakahulugan ng aking panaginip at baket me ganong eksena. Hmmm, hindi ko ren naman naisip magpakamatay. Kaya ko pala naikwento ko to ngayun ai, dahil sa 2 kong kasama kagabe, napag kwentohan nila lalo na si Badung na yung kapatid nya daw ay matindi kung managinip. Binabangungot na ay hindi mu pa alam, dahil daw sobrang tahimik. Kaya para lang me maishare ba ako, isinalaysay ko na ren ang aking napanaginipan.




Ang hirap humanap ng makakainan kagabe, grabe, baket kase 14 ang Valentines parang itinapat pa sya sa sahod ng mga empleyado. Kung, ginawa sana yun alanganing araw, siguro, kahit Valentines e di mapupuno ang mga restaturant. Ganun ren siguro sa mga Motel, baka waiting kung pumunta kayo dun. Di ko nga ren mawari kung baket naging kaakibat na ng Valentines and pagpapaputok. Sabe pa nga nung kakilala ko..'sa bibig ako magpapaputok para safe..' wehehehe..parang adik lang di ba. Siguro sa ating mga pinoy lang talaga naging ganun ang kahulugan ng Valentines. sa tingen ko naman ai hindi lahat, dahil gaya nga ng lagi kong binabanggit na 'asa malisyosong pagiisip lang ang lahat.' nakadepende sa halikaw ng utak ng kausap mu kung anu ang magiging kahulugan ng mga bibitawan mung mga pangungusap. Pero aminin man natin o hindi mas nagiging mabuhay ng usapan sa madaeng umpukan kung may pagka malaswa na ang pinaguusapan.

Kahapon pauwe e di ko naman naranasan ang malubhang trapiko, siguro asa garage room na ang karamihan sa sasakyan siguro yung iba e nagpark muna sa mga mall at tsaka pupunta sa Motel ng nakataxi. Habang binabagtas ang kahabaan ng Canley Road kagabi, pinipilit kong sipatin kung madaeng pumapasok na taxi sa hilera ng mga Motel dun. Sa tingen ko e ang konte lang ng pumasok dun, siguro nakakaramdam na talaga sila ng krisis at sa bahay na nga lang.

oooopppsss..hauz na ako..tapus na Valentines.


yung mga imahe ay galing sa magaling na Mr.Google

Cats claw LA

Ayon sa www.nba.com nabasa ko dito na talo na naman ang LA Lakers.

di ko na ilalahad kung anu ang nangyare, basta, tambak ang LAL..wehehe..
Magandang umaga mga kababayan..at sa Pilipinas kong mahal. Haiz, yung lang napaka mahal ng antipara ngayun, grabe, biruen mu napaka pangit pa nung frame na nakuha ko e inabot na ako agad ng 2495. Pero salamat pa ren at hindi naman tumaas yung grado ng aking mata.


yan sya oh..tingnan nyo naman napaka sobrang simple nya lang. pero ganun na yung kanyang halaga. E, wala na naman akong ibang magagawa kundi bumili at di naman ako makakakita sa training. Sya nga pala, kaya naman pala ako bumili ng antipara ay sa kadahilanang meron kameng training ngayun. Hmmm..inaantok na naman ako at araw-araw na lang wala atang oras na hindi ako inaantok. Napakaganda talagang pampaantok netong opisina.

Sunday, February 13, 2011

alas 1100AM na..wala akong magawa..

di ko alam kung baket..nakakatamad tong Lunes na to..hmmm..sapat naman yung tulog ko sa tingen ko.. pero.maaga talaga kelangan gumising..para lang makapasok ako ng 6AM, yeah..tama 6AM ng umaga yung pasok ko. Naghabal-habal na nga ako para mas mabilis, pero kaya lang..nakakatakot..wehehe..nagkakalembang yung itlog ko sa baba ko..kada ako sasakay sa habal-habal. Wala naman na akong choice kase ang mahal na ng taxi ngayun. Nagtry ako magloan ng kotse sa Ford..ewan ko lang kung maapprove..try lang naman e..wala naman siguro masama kung itry ko wala namang batas na nagsasabe na bibitayen ako e, saka libre lang naman apply. Kung maapprove swete ko di ba..kung hindi naman charge to experience.hehe..


eto yung Suzuki na iniisip ko..ganda ng Celerio o kaya ng Swift..kaya lang nak nang kutantong..baka kuba na ako kakatrabaho di pa ako nakakabili..wahahaha..


eto naman yung sa Ford ang hirap magdecide..kase..alam ko na wala akong pambili.wehehe.. pero magkagayun pa man..gaya nga ng nasabe ko di naman masama na mag inquire e. Try lang ba. Malay mu magdilang anghel ako manalo ako sa Lotto sa susunod na araw. di ba. Di napakalaking biyaya nun.