mga binabasa ko..

Tuesday, June 21, 2011

Tamis ng unang halik...

Kanina habang nakasakay ako sa dyip..papasok sa aking tanggapan.
bigla na lamang tumogtog ang isang kanta ni Tina Paner ang 'Tamis ng unang halik'
sa una ako ay natawa at ni sa hinagap ay di ko naisip na maririnig ko sya ngayun.
Pero natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatulala at nagmumuni-muni at bago ako ulit makapag isip e nag balik na naman ako sa nakaraan.

'Sang saglit ng ubod-tagal
Unang halik ng 'yong mahal
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang parang walang hanggan
'Yan ang iyong unang halik'


eto ang unang mga linyang umalingawngaw na agad ka kaibuturan ng aking pandinig. Eto ren ang naghudyat upang balikan ko ang masayang nakaraan ng aking unang halik. mahirap malimutan ang tamis ng unang halik lalo na masasabing kong ito ang una talaga. Dati kasi nakakahalik lang ako sa lupa, pag iningungudngod ng nanay ko ang mukha ko sa lupa. Pero nang maranasan ko ang aking unang halik sa labi ng aking sinisinta. ting...tinggg...tinnnggg...mas malala pa ang narinig ko na kalembang kesa sa pagkalembang ng aking itlog. Parang kinabahan ako ng husto nung makatikim ako ng halik, gusto na huminto yung oras ng mga panahon na yun at..wag na matapos pa. At nang ako'y mahimasmasan...


pakkkkk...isang malutong na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Di ko napigilan na halikan sa labi ang aking sinisinta. Simula nun di na ako nangangarap ng gising at baka kahit aso e mahalikan ko.

Sunday, June 19, 2011

Emot...emot...emot...

Minsan pag wala ako magawa..pinipilit isipin yung mga malulungkot na nagdaan sa buhay ko. Gaya ng unang pagkasawi sa pag ibig at kung anu-anu pang mga malulungkot na bagay ang pilit ko isinasaksak sa kukote ko. Nasubukan nyo na ba minsan na mag inarte? Ako ang ginagawa ko pag gusto ko mag inarte, e magpapatugtog ako ng malakas. Minsan nga naalala ko naabutan ako ng aking mahal na ina na nag iinarte. Pinatay ko ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay namen at saka ako nagpatutog ng One Last cry..at para kumpleto ang aking pagiinarte, bumili ako ng isang boteng beer sa aking suking tindahan. Ginawa ko, ninamnam ko talaga yun pagkakasawi ko sa aking unang pag ibig, naiyak talaga ako. At, tiyempo naman na syang kung kelan ko nadarama yung tugtog.."am goona cry my own...cry..." e syang biglang bukas ng ilaw, nahuli ako ng nanay ko na nag iinarte. Gulantang ang aking mahal na ina sa itsura ko nang datnan nya ako. Me hawak na isang boteng beer ang kamay, pos ang isa e nakapatong sa noo na para bagang me napakalaking problema. Kinausap talaga ako ng aking ina..kung anu daw ba ang aking problema at di ko na lang daw wakasan ang aking buhay. O diba, nanay ko yun nagsabi nun. Di ko naman masabi na nag iinarte lang ako at wala naman talagang nangyare saken. Minsan naman gusto kong eksena sa pag iinarte ko yung para bang ginahasa ng sampung kabayo. nakahalukipkip lang sa ilalim ng dutsa habang umiiyak. Yun ang pinaka matinding ginawa ko na pag iinarte, di ko alam kung anung pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. Pero dati ko pa nagagawa yun mga ganun ngayun na mejo nagkakaroon na ng onetng lang ang kakarampot ko na utak e di ko na sya magawang ulitin.

Wednesday, June 15, 2011

BurAng0t day...

May mga araw na pag labas mu pa lang ng iyong magandang tahanan aba ang sasalubong agad sayo ay mga taong nakaburangot o nakasimangot. Hindi pwedeng hindi mu sila tatapunan ng pansin dahil ang mga itsura nila ay matangos pa ang nguso nila sa ilong nila. Kahapon nangyare sa akin ang ganitong araw. Paglabas ko pa lang ng pintuan e mga nakasimangot na ang sumalubong sa akin. Hanggang sa makasakay na ako. Sa Jip na sinasakyan ko me nakakatawa pa ngang eksena, yung babaeng nakaburangot na mas matangos ang nguso sa ilong e pumara, para ng para, gang sa matutulili ang driver at sinagot ang babae ng "itatabi at wala naman ako plano iuwe ka.." natawa ako sa tinuran ng driver at di ko talaga napigil ang aking sarili na hindi matawa. Sa aking pagtawa bago bumaba ang babaeng nakaburangot at nagalit pa sa akin at anu daw ba ang nakakatawa. Pag dating ko naman dito sa lugar na nagbibigay ng aking kayamanan ang mahal kong opisina. E, may mga mangilan-ngilan ren na nakasimangot gulat talaga ako kasi pakiramdam ko simula pa lang ng araw e ang dae ng matulis ang nguso.
Di naman bawal ngumiti, siguro naman di naman sila nagtatae o kung anu pa man para magsimangot. Ako kasi ewan ko lang mahilig ako ngumiti, kahit mukha na akong siraulo na nakangiti mag isa. Di ko yun pinag dadamot para yun sa mga tao na ipinapalagay ko na me kras saken. Lagi ko ren itinatanim sa bumbunan kong mababaw na lagi ako dapat ngumiti, una, dahil di ako kagwapuhan para mag suplado, dalawa, pakiwari ko ay madae ang nabubuo ang kanilang araw makita lang akong nakangiti(ito ang pakiramdam ng taong Rebisco, ang kapal ng piling kooooo). Tatlo, di ba magaan ang pakiramdam kung ang makakasalamuha mu ay nakangiti? apat, kahit ang lima sa anim kong ngipin ay bulok kelangan ko pa ren ngumiti. Saka, libre naman ang pagngiti kaya dapat ibinabahagi yun sa kahit kanino pa man.

Kaya wag kakalimutan na laging ngumiti...:)

Wednesday, June 8, 2011

Momo..sa CR ng Shangrila Mall...

Hotaena na yan..biruen nyo..me nakasabay ako sa CR sa SHangrila Plaza Mall di ko akalaen na bakla pala. Ang kanyang style, pagpasok ko ng banyo, nagpapatuyo sya ng panyo, ang akala mu na lalabas na sya e..bigla sya tatabi sa pwesto mu kung san ka iihi at..napakagaling pa talaga naman din kumuha ng pagkakataon na kung kelan mu naman na nailabas yung uten mu at pasirit na ren ang ihi mu e yung tipong pag pinigilian mu e masakit yung puson mu agad e dun nila dudungawen. Napaka dae ko naranasan na ganto sa ibang mga CR pa pero di ko akalaen na sa SHangrila e meron den pala. Dati nga aking natatandaan na minsan sa buwisit ko e sinabihan ko yun isang dumungaw sa pototoy ko na idudungkol ko sa mukha nya yung sinisilip nya, aba ang sagot ba naman ai sige daw at sabay nganga. Napaka badingerzy killer ko ata talaga, minsan kasi sinubukan ko manuod ng sine mag-isa sa SM Megamall(libreng ads), noong di pa ganung narenovate and sinehan ng Megamall(libre ads ulit) na ang kanilang sahig pa e naglalagkit pa..yun tipong pag iniapak mu yung sapatos mu e maiiwan ang suwelas. Pagpasok ko sa loob ng sinehan di ko naman napansin na sinusundan na ako ng 2 Badingz, pagpasok sa loob pumuwesto lang ako dun sa gitna at tutal naman e ako lang mag-isa nagulat na lamang ang inyong abang lingkod nang bigla akong pagitnaan nun 2. Nagawa ko pang lumipat ng upuan dahil sa takot ko akala ko mga holdaper sila. Mantakin ko ba naman na sumunod sila, nang mapansin kong mga bading sila e hindi na ako kumibo akala ko kasi kikita ako ng limpak-limpak na salapi. Deadmatology tested na lang ako sa kanila ng maya-maya e biglang me humawak sa hita ko..sa una nakikiliti ako..pero..pinigilan ko talaga at ayaw kong maging alipin ako ng init ng aking katawan(biro lang..). Nagtatakbo ako palabas ng sinehan wala akong mapagsumbungan at dahil sarado na ang barangay ng mga sumandaling iyon. Kung pinakitaan ba naman nila ako ng sang bayong na pera, e, di sin sana'y naging maganda ang takbo ng usapan at masaya ang lahat.

pero di ko magagawa na ibenta ang aking katawang lupa, at babuyen ng kung sinu man. Mas gugustuhen ko na lang na uod na ang makinabang dito. Pero ang lahat ng aking pananaw ay nakadepende sa presyo...hehehe..biro lang ulit..

Tuesday, June 7, 2011

In My Dreams... - Reo Speedwagon

hmmm...share ko lang


In My Dreams... - Reo Speedwagon


ahehehe..napanuod ko lang sa Goin Bulilit..kaya napag tripan ko hanapen..

pamatay na lyrics..

We climb and climb and at the top we fly
Let the world go on below us, we are lost in time
And I don't know really what it means
All I know is that you love me, in my dreams


di naman sa nag sesemental ako..pero maganda naman talaga sya pakinggan..

Wednesday, June 1, 2011

TsiSmIsan..Blues...

"putang ina mu ka...kung anu-anu ang mga ikinakalat mu laban saken.."
eto ang gumising saken kanina umaga, ang nag mumurahan na mga kapitbahay ko. Di ko alam kung mabubuwiset ako sa kanila o maasar ako sa mga buwiset na yun. Wala naman na ako magagawa kundi bumangon na at dahil sa naniniwala ako sa siyensya naisipan ko mag usisa. Minabuti kong silipin yung mga kapitbahay kong nagmumurahan.

Nalaman ko na lang ang dahilan ng kanilang pag aaway ay dahil si una ay itsinitsismak neto ni pangalawa. Pero di naman na ako ganun ka usyosero para mag ungkat pa ng husto at alam ko naman na hindi ko naman ikakayaman ang pagungkat pa ng pinag awayan nila.
Naging kultura na talaga ng mga kababaihan lalo na ang mga nanay na kapag nagkaumpukan ay kung sinu ang wala ay siya nilang pag uusapan. Kahit na me mga ginagawa kelangan talaga na abala ren ang kanilang mga bibig. Di makukumpleto ang kanilang araw kung wala silang pinag tsitsismisan.