mga binabasa ko..

Wednesday, November 23, 2011

ang paboritong libro ni Hudas - bob ong

kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas. Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang nakakaraan. Di ko pa ren naman sya tapos basahin ngayun pero nais ko ilahad sa inyo ang ilang parte sa mga nabasa ko na nag pagulong sa aking malay katatawanan. Bagay madali lang naman ako matawa kahit nga korni basta si Joey Marquez ang nagdedeliver tinatawanan ko e. Madako na tayo sa iasng part ng libro ni Bob Ong.

-----
<--> Kahapon meron ding nagdadasal, umiiyak pa, sana raw pumasa sya sa exam.
<--> Paano ko naman ipapasa, e wala naman s'yang mga isinagot sa mga test papers nya!

<--> Paano ko pa s'ya matutulungan sa lagay na 'yon?
Buti kung humiling s'ya ng matibay na resistensya habang
naglalamay sa kaka-review. O kaya e ng konting talino para
mas maintindihan n'ya ang mag pinag-aralan nila. O kaya
e ng tiyaga, tibay ng loob, pasensya, o sipag..pwede 'yun,
pero yung magsasubmit s'ya ng blankong test paper tapos
kailangan ipasa ko s'ya, para na rin s'yang humiling na
manalo sa lotto kahit na hindi s'ya bumibili ng ticket.

-----
di ko napigilan ang sarili kong magulong ulit sa kakatawa. Pero magkagayun man nasasalamin ren yun sa totoong buhay. Madaeng tao ang umaasa at nagdadasal na nawa e pagnutbayan sila ng Poong may Kapal. Nguni't..datapwat..bagaman e wala naman silang ginagawa o ni hindi man lang nila makuhang kumilos, para maiba man lang ang buhay nila.

may isa pang part sa libro ang nagpasakit ng aking tiyan.

-----
Bakit halos lahat ng lalakeng superhero e naka tights? Bakit kailangan nila ng kapa? Bakit nasa labas ang briefs nila? At anak naman ng tiyanak, bakit hindi sila gumamit ng brief na ayos pa ang garter ng hindi na nila ito sinisinturunan..
-----

hahahahaha..diko alam kung mababasa nyo e matatawa kayo pero ako e natawa naman talaga.
o ciao...

Tuesday, November 22, 2011

mga tao

bakit ba meron mga klase ng mga semilya na:

una, makikipag unahan sayo sa paglabas sa MRT pos..makikipag unahan den sayong sumampa sa escalator, tapos ang gagawen lang e hihinto..buti sana kung maluwag yung escalator ng MRT Buendia stn e pang isang tao lang yun. Pos, madae pang tao ang parang nambubuwiset lang na sasakay pos saka prenteng tatayo na parang pakialam sa mundo nakanam puta naman..panu naman yung mga taong nagmamadali. Kung ipinangak kayo para mambuwiset lang e bakit di nyo na lang sikmuraan yung taong unang makakasalubong mu sa umaga at saka ka humingi ng matinding pasensya. Ganun, ang gawen nila dapat o kaya kung gusto nila na madae lang talaga masura, e bakit di na lang sila magpatiwakal baka sa kabilang buhay mabuwiset nya yung mga nilalang dun.

pangalawa, yung mga taong nag lalakad ng hindi naka tingen sa nilalakaran nila. Napaka dae nang ganitong klaseng nilalang. Akala niya siguro e zombading sya at walang babangga sa kanya. Akala nya siguro e ang bumangga giba. Ang mahirap pa sa mga taong eto e madalas sa kanila..sila pa ang galit pag nabangga. ang iba pa nga ay di marunong humingi talaga ng pasensya. mga tinamaan ng lintik na yan.

pangatlo, yung mga taong naglalakad ng nagttxt, isa pa tong mga ganitong klase ang buwiset sa nagmamadaling umaga. Ang bagal na nila maglakad nakahambala na nga sila sa nilalakaran mo, ang laki talaga nilang abala. pos, pag nilingon mu pa nakangiti pa mag isa habang nag ttxt..nak nam..

di ko mawari kung bakit napaka bitter ng blog ko na to..ciaoooooooo..

Wednesday, November 16, 2011

ang tagal ko nawala..babalik muli..

woooo..nakakamiss na ren mag blog..ang tagal ko nawala..ilang buwan den pala na..ang huling nailimbag ko pa sa blog ko e Hulyo pa..magkagayun man..wala ren kasi akong oras mas madalas pa ako sa ibang bansa kesa andito. Nakakapagod..nakakaubos ng oras..wala na tuloy akong nailagay sa blog na to..

hmmm..sa ngayun wala ako maisip na maiblog..maliban sa aking napupuna sa aking kapaligiran. Bakit ba madalas pag dating ng mga bandang 730 ng umaga e sobrang traffic na sa Buendia Flyover?..tapos ang boss ko tanghali pa pumasok..tapos pag pasok nya pa..kukutaytayen nya agad kami ng mga follow up..pero sana lang maisipan nya ibalik yung BB ko..pos mga bandang 10:30 ng umaga..nagulat ako sa kasamahan ko bigla na lang pumitlag yun pala nakaidlip na sa pagkakaupo nya..sabi ko nga..babasagin nya pa yung lcd ng laptop nya pag napasubsob sya dun e. Pos, di namin namalayan na tanghalian na kumain ako ng madae na parang construction worker na ngayun lang nakakita ng kanin at nilantakan ko talaga. Pagkatapos namen kumain para akong ita..kakamot sa tiyan sabay hikab at uunat sa pagkakaupo. Dahil sa kabundatan ko..mas matigas pa ata ang sikmura ko ngayun kesa sa noo ko. Bawal na ren ako kumurap dahil babangunguten ko.

Maya na nga ulit ako magkwento..pero sana maisipan nang boss ko talaga ibalik yung cellphone ko..

Saturday, July 30, 2011

teng enang kaltas yan..wala nang natira...buset..

eto ang ayaw ko sa payday..me kasabay na payslip..tsk..tsk..e pagka nakita ko ang payslip ko at..nakasaad ang tax e...nakanam puta na..nakakapanlumo talaga..di ko maiwasan mapamura dahil sa laki ng bawas sa tax na hindi ko naman nalalaman kung sinung mga babae nila Tongressman ang nakikinabang..buset..


yan..ang payslip ko..para sa cut off ngayun..tang ina lang..me loan pa ako..samahan mu pa ng tax..wala nang natira sa pinaghirapan ko sa pagcchat ng buong araw sa opisina. Sana lang lagyan ng gobyerno ng pilipinas ng fly over ang aming bahay at me sariling paking lot. Haiz, di ko maiwasan madismaya talaga..pag me payslip. madae pa sana akong mabibili sa ikinakaltas saken sa tax.

Tuesday, June 21, 2011

Tamis ng unang halik...

Kanina habang nakasakay ako sa dyip..papasok sa aking tanggapan.
bigla na lamang tumogtog ang isang kanta ni Tina Paner ang 'Tamis ng unang halik'
sa una ako ay natawa at ni sa hinagap ay di ko naisip na maririnig ko sya ngayun.
Pero natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatulala at nagmumuni-muni at bago ako ulit makapag isip e nag balik na naman ako sa nakaraan.

'Sang saglit ng ubod-tagal
Unang halik ng 'yong mahal
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang parang walang hanggan
'Yan ang iyong unang halik'


eto ang unang mga linyang umalingawngaw na agad ka kaibuturan ng aking pandinig. Eto ren ang naghudyat upang balikan ko ang masayang nakaraan ng aking unang halik. mahirap malimutan ang tamis ng unang halik lalo na masasabing kong ito ang una talaga. Dati kasi nakakahalik lang ako sa lupa, pag iningungudngod ng nanay ko ang mukha ko sa lupa. Pero nang maranasan ko ang aking unang halik sa labi ng aking sinisinta. ting...tinggg...tinnnggg...mas malala pa ang narinig ko na kalembang kesa sa pagkalembang ng aking itlog. Parang kinabahan ako ng husto nung makatikim ako ng halik, gusto na huminto yung oras ng mga panahon na yun at..wag na matapos pa. At nang ako'y mahimasmasan...


pakkkkk...isang malutong na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Di ko napigilan na halikan sa labi ang aking sinisinta. Simula nun di na ako nangangarap ng gising at baka kahit aso e mahalikan ko.

Sunday, June 19, 2011

Emot...emot...emot...

Minsan pag wala ako magawa..pinipilit isipin yung mga malulungkot na nagdaan sa buhay ko. Gaya ng unang pagkasawi sa pag ibig at kung anu-anu pang mga malulungkot na bagay ang pilit ko isinasaksak sa kukote ko. Nasubukan nyo na ba minsan na mag inarte? Ako ang ginagawa ko pag gusto ko mag inarte, e magpapatugtog ako ng malakas. Minsan nga naalala ko naabutan ako ng aking mahal na ina na nag iinarte. Pinatay ko ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay namen at saka ako nagpatutog ng One Last cry..at para kumpleto ang aking pagiinarte, bumili ako ng isang boteng beer sa aking suking tindahan. Ginawa ko, ninamnam ko talaga yun pagkakasawi ko sa aking unang pag ibig, naiyak talaga ako. At, tiyempo naman na syang kung kelan ko nadarama yung tugtog.."am goona cry my own...cry..." e syang biglang bukas ng ilaw, nahuli ako ng nanay ko na nag iinarte. Gulantang ang aking mahal na ina sa itsura ko nang datnan nya ako. Me hawak na isang boteng beer ang kamay, pos ang isa e nakapatong sa noo na para bagang me napakalaking problema. Kinausap talaga ako ng aking ina..kung anu daw ba ang aking problema at di ko na lang daw wakasan ang aking buhay. O diba, nanay ko yun nagsabi nun. Di ko naman masabi na nag iinarte lang ako at wala naman talagang nangyare saken. Minsan naman gusto kong eksena sa pag iinarte ko yung para bang ginahasa ng sampung kabayo. nakahalukipkip lang sa ilalim ng dutsa habang umiiyak. Yun ang pinaka matinding ginawa ko na pag iinarte, di ko alam kung anung pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. Pero dati ko pa nagagawa yun mga ganun ngayun na mejo nagkakaroon na ng onetng lang ang kakarampot ko na utak e di ko na sya magawang ulitin.

Wednesday, June 15, 2011

BurAng0t day...

May mga araw na pag labas mu pa lang ng iyong magandang tahanan aba ang sasalubong agad sayo ay mga taong nakaburangot o nakasimangot. Hindi pwedeng hindi mu sila tatapunan ng pansin dahil ang mga itsura nila ay matangos pa ang nguso nila sa ilong nila. Kahapon nangyare sa akin ang ganitong araw. Paglabas ko pa lang ng pintuan e mga nakasimangot na ang sumalubong sa akin. Hanggang sa makasakay na ako. Sa Jip na sinasakyan ko me nakakatawa pa ngang eksena, yung babaeng nakaburangot na mas matangos ang nguso sa ilong e pumara, para ng para, gang sa matutulili ang driver at sinagot ang babae ng "itatabi at wala naman ako plano iuwe ka.." natawa ako sa tinuran ng driver at di ko talaga napigil ang aking sarili na hindi matawa. Sa aking pagtawa bago bumaba ang babaeng nakaburangot at nagalit pa sa akin at anu daw ba ang nakakatawa. Pag dating ko naman dito sa lugar na nagbibigay ng aking kayamanan ang mahal kong opisina. E, may mga mangilan-ngilan ren na nakasimangot gulat talaga ako kasi pakiramdam ko simula pa lang ng araw e ang dae ng matulis ang nguso.
Di naman bawal ngumiti, siguro naman di naman sila nagtatae o kung anu pa man para magsimangot. Ako kasi ewan ko lang mahilig ako ngumiti, kahit mukha na akong siraulo na nakangiti mag isa. Di ko yun pinag dadamot para yun sa mga tao na ipinapalagay ko na me kras saken. Lagi ko ren itinatanim sa bumbunan kong mababaw na lagi ako dapat ngumiti, una, dahil di ako kagwapuhan para mag suplado, dalawa, pakiwari ko ay madae ang nabubuo ang kanilang araw makita lang akong nakangiti(ito ang pakiramdam ng taong Rebisco, ang kapal ng piling kooooo). Tatlo, di ba magaan ang pakiramdam kung ang makakasalamuha mu ay nakangiti? apat, kahit ang lima sa anim kong ngipin ay bulok kelangan ko pa ren ngumiti. Saka, libre naman ang pagngiti kaya dapat ibinabahagi yun sa kahit kanino pa man.

Kaya wag kakalimutan na laging ngumiti...:)