mga binabasa ko..

Wednesday, November 23, 2011

ang paboritong libro ni Hudas - bob ong

kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas. Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang nakakaraan. Di ko pa ren naman sya tapos basahin ngayun pero nais ko ilahad sa inyo ang ilang parte sa mga nabasa ko na nag pagulong sa aking malay katatawanan. Bagay madali lang naman ako matawa kahit nga korni basta si Joey Marquez ang nagdedeliver tinatawanan ko e. Madako na tayo sa iasng part ng libro ni Bob Ong.

-----
<--> Kahapon meron ding nagdadasal, umiiyak pa, sana raw pumasa sya sa exam.
<--> Paano ko naman ipapasa, e wala naman s'yang mga isinagot sa mga test papers nya!

<--> Paano ko pa s'ya matutulungan sa lagay na 'yon?
Buti kung humiling s'ya ng matibay na resistensya habang
naglalamay sa kaka-review. O kaya e ng konting talino para
mas maintindihan n'ya ang mag pinag-aralan nila. O kaya
e ng tiyaga, tibay ng loob, pasensya, o sipag..pwede 'yun,
pero yung magsasubmit s'ya ng blankong test paper tapos
kailangan ipasa ko s'ya, para na rin s'yang humiling na
manalo sa lotto kahit na hindi s'ya bumibili ng ticket.

-----
di ko napigilan ang sarili kong magulong ulit sa kakatawa. Pero magkagayun man nasasalamin ren yun sa totoong buhay. Madaeng tao ang umaasa at nagdadasal na nawa e pagnutbayan sila ng Poong may Kapal. Nguni't..datapwat..bagaman e wala naman silang ginagawa o ni hindi man lang nila makuhang kumilos, para maiba man lang ang buhay nila.

may isa pang part sa libro ang nagpasakit ng aking tiyan.

-----
Bakit halos lahat ng lalakeng superhero e naka tights? Bakit kailangan nila ng kapa? Bakit nasa labas ang briefs nila? At anak naman ng tiyanak, bakit hindi sila gumamit ng brief na ayos pa ang garter ng hindi na nila ito sinisinturunan..
-----

hahahahaha..diko alam kung mababasa nyo e matatawa kayo pero ako e natawa naman talaga.
o ciao...

Tuesday, November 22, 2011

mga tao

bakit ba meron mga klase ng mga semilya na:

una, makikipag unahan sayo sa paglabas sa MRT pos..makikipag unahan den sayong sumampa sa escalator, tapos ang gagawen lang e hihinto..buti sana kung maluwag yung escalator ng MRT Buendia stn e pang isang tao lang yun. Pos, madae pang tao ang parang nambubuwiset lang na sasakay pos saka prenteng tatayo na parang pakialam sa mundo nakanam puta naman..panu naman yung mga taong nagmamadali. Kung ipinangak kayo para mambuwiset lang e bakit di nyo na lang sikmuraan yung taong unang makakasalubong mu sa umaga at saka ka humingi ng matinding pasensya. Ganun, ang gawen nila dapat o kaya kung gusto nila na madae lang talaga masura, e bakit di na lang sila magpatiwakal baka sa kabilang buhay mabuwiset nya yung mga nilalang dun.

pangalawa, yung mga taong nag lalakad ng hindi naka tingen sa nilalakaran nila. Napaka dae nang ganitong klaseng nilalang. Akala niya siguro e zombading sya at walang babangga sa kanya. Akala nya siguro e ang bumangga giba. Ang mahirap pa sa mga taong eto e madalas sa kanila..sila pa ang galit pag nabangga. ang iba pa nga ay di marunong humingi talaga ng pasensya. mga tinamaan ng lintik na yan.

pangatlo, yung mga taong naglalakad ng nagttxt, isa pa tong mga ganitong klase ang buwiset sa nagmamadaling umaga. Ang bagal na nila maglakad nakahambala na nga sila sa nilalakaran mo, ang laki talaga nilang abala. pos, pag nilingon mu pa nakangiti pa mag isa habang nag ttxt..nak nam..

di ko mawari kung bakit napaka bitter ng blog ko na to..ciaoooooooo..

Wednesday, November 16, 2011

ang tagal ko nawala..babalik muli..

woooo..nakakamiss na ren mag blog..ang tagal ko nawala..ilang buwan den pala na..ang huling nailimbag ko pa sa blog ko e Hulyo pa..magkagayun man..wala ren kasi akong oras mas madalas pa ako sa ibang bansa kesa andito. Nakakapagod..nakakaubos ng oras..wala na tuloy akong nailagay sa blog na to..

hmmm..sa ngayun wala ako maisip na maiblog..maliban sa aking napupuna sa aking kapaligiran. Bakit ba madalas pag dating ng mga bandang 730 ng umaga e sobrang traffic na sa Buendia Flyover?..tapos ang boss ko tanghali pa pumasok..tapos pag pasok nya pa..kukutaytayen nya agad kami ng mga follow up..pero sana lang maisipan nya ibalik yung BB ko..pos mga bandang 10:30 ng umaga..nagulat ako sa kasamahan ko bigla na lang pumitlag yun pala nakaidlip na sa pagkakaupo nya..sabi ko nga..babasagin nya pa yung lcd ng laptop nya pag napasubsob sya dun e. Pos, di namin namalayan na tanghalian na kumain ako ng madae na parang construction worker na ngayun lang nakakita ng kanin at nilantakan ko talaga. Pagkatapos namen kumain para akong ita..kakamot sa tiyan sabay hikab at uunat sa pagkakaupo. Dahil sa kabundatan ko..mas matigas pa ata ang sikmura ko ngayun kesa sa noo ko. Bawal na ren ako kumurap dahil babangunguten ko.

Maya na nga ulit ako magkwento..pero sana maisipan nang boss ko talaga ibalik yung cellphone ko..