Selos anu nga ba to?..Ayon sa Wikipedia ito raw ay..
Ang panibugho, pagseselos, o selos (Ingles: jealousy, maaari ring possessiveness)
[1], ay ang pagsususpetsa o pagiging palabintangin, mapaghinala, o mapagsapantaha sa pagkakaroon ng mga karibal, kaagawan, o kalaban para sa pag-ibig, pagmamahal, o pagkagusto ng ibang tao.
[2] Maaari rin itong pagkadarama ng mapagtanim ng sama ng loob na may pagkainggit dahil sa pananagumpay ng ibang tao, kaya't – sa ganitong diwa – nagiging katumbas din ang paninibugho ng inggit o pangingimbulo; at nagiging katumbas din ng pagkamakasarili.[2] Tinatawag na seloso (kung lalaki), selosa (kapag babae), o panibughuin ang isang taong mapagselos o nagseselos.[1]
ayan ang kahulugan ng salitang selos ayon sa wikipedia(salamat sa Google at itinuro nya ako sa Wikipedia). Kung ako ang inyong tatanungin ang kahuligan ko ng selos ay pagiging utak kriminal, bakit ka magsususpetsa, magbibintang, maghihinala, o magiging mapagsapantaha kung yung utak mo e mas malawak at mas basa pa kesa sa kabukiran ni Neneng. Magiging makitid lang ang utak ng isang tao sa tingen ko kung ang kanilang betlog ay mas malaki pa sa kanilang utak, kung ganun lang kaliit yung utak malamang na makitid ren ang pang unawa ng mga ganung klaseng nilalang. Dapat sa kanila ay tinutungkab ang anit ng maging bukas ang pananaw nila sa lahat ng bagay. Bakit ko pala naikwento ang ganitong bagay ay dahil sa kasintahan ng kaibigan kong babae. Nalaman ko lang sa kwento ng pareho naming kaibigan na ako nga daw ay pinagseselosan at di lang ako lahat ata daw ng ikuwento ng babae dun sa lalaki ay kanya na ring pinagseselosan.
- Unang-una, kukuha ka ng kasintahan mu na kagandahan tapos magseselos ka.
- Bakit ang hindi kaya gawen ng mga taong seloso e imbes na magngitngit sila sa selos, ipatanggal nila yung ulo nila at dalhin ke Belo.
Dun sa pangalawang kahulugan ng selos, na ang pagiging inggitero pala ng taon ay nakakategorya pala sa selos. Pag me nakikita ka palang nagtatagumpay ay magseselos ka. Sa aking pananaw maari mu itong gamiten para maging basehan mu ng pamantayan sa buhay na kung bakit sila ay nagtagumpay bakit ikaw di mu kaya e parehas lang naman kayong tumatae ng mabaho.
O kung ikaw yung tipo na utak palaka at pag naiinggit e nagmumukmok na lang sa isang tabi at doon magbabati. At pipilitin mung ibaba ang kung sinu man nakakaangat sayo. Hindi tama yun, di magandang asal. Baka kahit sa dagat-dagatang apoy ka mapunta magkainggitan pa kayo ng hari doon.
hanggang sa muli..paalam...
No comments:
Post a Comment