Kulangot, anu nga ba to? Nakakadiri ba to? Kinakain ba to? iniinum? ipinapahid sa katawan? binibilot saka ibabato sa kasama mo? Me nakatabi ako kanina sa tricycle si Manong me nakalambitin na kulangot sa kanyang ilong. Gusto ko sanang hilain para mawala na, ngunit para kasing tigas ng muta yung kulangot nya. Baka pag hinila ko yun e may sumama pang buhok at mapaiyak pa sya. Pero mahirap di mapansin kasi nga naman kada siya bubuga ng hiniga e lalabas yung nakalambitin na kulangot sa ilong nya. Isa pa natatakot ako na baka makabitaw yung kulangot sa ilong nya e sa kasamaang palad sa akin dumapo. Di naman sa madidirihin ako o nag iinarte pero, kulangot nya yung e, tumigas na uhog yun. Baka me Virus pa sya mahawaan nya pa ako.
Mailiwas ko naman yung kwento, pagsakay ko naman sa Jeep, ang tahimik nang mga kasabay ko. Sinubukan ko magpunas ng ilong habang tinitingnan ko ang bawat isang nakasakay. Mapapansin mu na marami sa mga pasahero ang sisimple ng punas sa kanilang mga ilong. Nung akin na iyong mapansin, sinubukan ko naman na magpunas ng muta sa mata. Me mga mangilan-ngilan na pasahero na gumagaya ng ginagawa ko.
Di ko alam kung anung meron pag asa jip ka e kung anu yung gawen mu at tingnan mu isa-isa ang mga kasama mung pasahero e gagawen den nila ng patago.
No comments:
Post a Comment