mga binabasa ko..

Wednesday, June 1, 2011

TsiSmIsan..Blues...

"putang ina mu ka...kung anu-anu ang mga ikinakalat mu laban saken.."
eto ang gumising saken kanina umaga, ang nag mumurahan na mga kapitbahay ko. Di ko alam kung mabubuwiset ako sa kanila o maasar ako sa mga buwiset na yun. Wala naman na ako magagawa kundi bumangon na at dahil sa naniniwala ako sa siyensya naisipan ko mag usisa. Minabuti kong silipin yung mga kapitbahay kong nagmumurahan.

Nalaman ko na lang ang dahilan ng kanilang pag aaway ay dahil si una ay itsinitsismak neto ni pangalawa. Pero di naman na ako ganun ka usyosero para mag ungkat pa ng husto at alam ko naman na hindi ko naman ikakayaman ang pagungkat pa ng pinag awayan nila.
Naging kultura na talaga ng mga kababaihan lalo na ang mga nanay na kapag nagkaumpukan ay kung sinu ang wala ay siya nilang pag uusapan. Kahit na me mga ginagawa kelangan talaga na abala ren ang kanilang mga bibig. Di makukumpleto ang kanilang araw kung wala silang pinag tsitsismisan.

No comments:

Post a Comment