mga binabasa ko..
Monday, February 14, 2011
VaLenTines..
'Malapit ka nang mamatay..' yan ang sabe saken ng matanda sa aking panaginip. Di ko alam kung anu ang ibig ipakahulugan ng aking panaginip at baket me ganong eksena. Hmmm, hindi ko ren naman naisip magpakamatay. Kaya ko pala naikwento ko to ngayun ai, dahil sa 2 kong kasama kagabe, napag kwentohan nila lalo na si Badung na yung kapatid nya daw ay matindi kung managinip. Binabangungot na ay hindi mu pa alam, dahil daw sobrang tahimik. Kaya para lang me maishare ba ako, isinalaysay ko na ren ang aking napanaginipan.
Ang hirap humanap ng makakainan kagabe, grabe, baket kase 14 ang Valentines parang itinapat pa sya sa sahod ng mga empleyado. Kung, ginawa sana yun alanganing araw, siguro, kahit Valentines e di mapupuno ang mga restaturant. Ganun ren siguro sa mga Motel, baka waiting kung pumunta kayo dun. Di ko nga ren mawari kung baket naging kaakibat na ng Valentines and pagpapaputok. Sabe pa nga nung kakilala ko..'sa bibig ako magpapaputok para safe..' wehehehe..parang adik lang di ba. Siguro sa ating mga pinoy lang talaga naging ganun ang kahulugan ng Valentines. sa tingen ko naman ai hindi lahat, dahil gaya nga ng lagi kong binabanggit na 'asa malisyosong pagiisip lang ang lahat.' nakadepende sa halikaw ng utak ng kausap mu kung anu ang magiging kahulugan ng mga bibitawan mung mga pangungusap. Pero aminin man natin o hindi mas nagiging mabuhay ng usapan sa madaeng umpukan kung may pagka malaswa na ang pinaguusapan.
Kahapon pauwe e di ko naman naranasan ang malubhang trapiko, siguro asa garage room na ang karamihan sa sasakyan siguro yung iba e nagpark muna sa mga mall at tsaka pupunta sa Motel ng nakataxi. Habang binabagtas ang kahabaan ng Canley Road kagabi, pinipilit kong sipatin kung madaeng pumapasok na taxi sa hilera ng mga Motel dun. Sa tingen ko e ang konte lang ng pumasok dun, siguro nakakaramdam na talaga sila ng krisis at sa bahay na nga lang.
oooopppsss..hauz na ako..tapus na Valentines.
yung mga imahe ay galing sa magaling na Mr.Google
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment